The Beauty of Abundance: Foundation of Gandang Kalikasan Inc.

The Beauty of Abundance: Foundation of Gandang Kalikasan Inc.

Written by: Joemar David Olmido

Sa pagdaan ng maraming taon, hindi natin maikakaila ang matinding pagbabago ng klima sa mundo. Isang pangunahing dahilan nito ay ang patuloy na pagkasira ng kapaligiran. Isa sa mga bagay o solusyon na makatutulong sa issue na ito ay ang iba’t ibang advocacy o brand na may layunin na panatilihin ang sustainability sa ating mundo. Isang natatanging brand ang in-establish noong 2008 na may layuning makatulong hindi lamang sa kapaligiran, pati na rin sa mga magsasakang nakakaranas ng kahirapan. Ang brand na ito ay ang Human Nature o Gandang Kalikasan Inc.

Photo Courtesy: Human Heart Nature 

Ang Human Nature o Gandang Kalikasan Inc. ay isang social enterprise na ang pangunahing layunin ay ang makatulong sa kapaligiran at mga manggagawa. Ito ay in-establish ng magkakapatid na sina Anna Meloto-Wilk at Camille Meloto, kasama ang asawa ni Anna na si Dylan Wilk. Karamihan sa mga manggagawa ng brand na ito ay galing sa mga rural villages ng ating bansa. Isa itong paraan para mapabuti ang mga pamilya at buhay ng mga manggagawang. Naka-focus ang company sa pagpapalawak ng kanilang ginagamit na natural products upang makatulong din sa Pilipinas sa pamamagitan ng pag-export ng mga natural products na ito galing din sa ating bansa.

Anna Meloto-Wilk at Camille Meloto
Dylan Wilk

                                             Photo Courtesy: Human Heart Nature                                                                                                    Photo Courtesy: Our Parenting World

Ang brand na ito ang kauna-unahang nag-produce ng all-natural products sa Pilipinas. Ito rin ay isang certified member ng Natural Products Association (NPA) sa USA dahil sa kalidad at kagandahan ng kanilang mga produkto. Isa sa mga nangungunang brand sa Pilipinas ang Gandang Kalikasan Inc. sa paggawa ng mga all-natural products na gaking din sa Pilipinas ang ginagamit na natural resources. Kilala ang brand na ito sa natatanging mga layunin nito, “Pro-Philippines, Pro-Poor and Pro-Environment”. Ito rin ay nagbibigay inspirasyon sa ibang mga brand na kung kaya nila na lalong pagbutihin ang paglilingkod sa lipunan at sa kapaligiran, kakayanin din ng iba.

Ka-partner ng Gandang Kalikasan Inc. ang Gawad Kalinga Foundation sa pag-produce ng mga natural ingredients na kailangan nila. Nakapag-establish na ng mahigit 2,000 farming communities ang Gawad Kalinga Foundation sa buong Pilipinas. Tinutungan nito ang mga farmers na magkaroon ng sustainable source of income sa mga nagdaang taon. Nakapagpatayo rin sila ng mga bahay malapit sa mga tirahan ng mfa farmers na ito. Nagpo-provide rin ito ng training at edukasyon para sa mga rural farmers tungkol sa organic farming para mapabuti ang kanilang pagtatanim. 

Photo Courtesy: Human Heart Nature 

Photo Courtesy: Gawad Kalinga

Dahil sa kagustuhang makatulong sa kapaligiran at sa kanilang mamamayan, especially sa mga farmers, naisipan nina Anna Miloto-Wilk, Camille Miloto, at Dylan Wilk ang pag-establish sa Gandang Kalikasan. Patuloy pa rin sa pagbigay serbisyo at pagtulong ang brand na ito sa iba’t ibang aspekto.

 

Ang matagumpay na pagbuo at paglago ng Gandang Kalikasan Inc. ay isang patunay ng lakas at determinasyon ng mga kababaihan sa pagtugon sa mga hamon ng ating lipunan at kalikasan. Sa kanilang malasakit at pagnanasa na magbigay ng mas magandang bukas para sa lahat, pinapalakas nila ang mga kababaihan hindi lamang sa negosyo kundi pati na rin sa kanilang mga komunidad. Ang pagpapakita ng tapang at liderato ng mga kababaihan tulad nina Anna Meloto-Wilk at Camille Meloto ay nagsisilbing inspirasyon sa iba pang kababaihan na mangarap at magtagumpay, upang lumikha ng positibong pagbabago sa ating bansa at sa buong mundo.

 

Empowered women create lasting world change.

 

Reference:

Ruiz, N. P. (n.d.). Human Nature: Pro-poor, Pro-environment, and Pro-Philippines. AIM2Flourish. 

https://aim2flourish.com/innovations/human-nature-pro-poor-pro-environment-and-pro-philippines 

 

Human Heart Nature (n.d.). OUR STORY. 

https://humanheartnature.com/buy/our-story?srsltid=AfmBOoof9-ytbCb7FO3V4iFCMcuC7sXAc9C1K28QqZO78Nl2X4vWWha2 

Comments

No comments yet. Why don’t you start the discussion?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *