Written by: Julianne Marbella
Sa panahon ngayon, bihira na ang mga gurong hindi lamang nagtuturo, kundi tunay na nagbibigay ng lakas ng loob. Isa na rito si Najah Untong– isang batang guro na puno ng pangarap at layunin. Sa kanyang simpleng silid-aralan, hinuhubog niya ang mga mag-aaaral lalo na ang mga kababaihan upang mas mangarap nang mas malaki, mamuno nang may tapang, at maniwala sa sarili nilang halaga. Para kay Najah, ang pagiging guro ay hindi lamang trabaho–ito rin ay isang misyon upang magbigay inspirasyon at pag-asa.
Najah Untong

Photo Courtesy: Nonviolent Peaceforce
Si Najah ay isang simple na babae–mahiyain at hindi palakibo noon. Ngunit sa kanyang paglaki, nakita niya ang mga hindi pantay na oportunidad para sa mga kababaihan sa kanilang komunidad. Sa ilang lugar sa Bangsamoro, maraming batang babae ang maagang ipinapakasal, hindi pinapaaral, o kaya naman ay tinuturuan na ang kanilang papel ay nasa tirahan lamang.
Bilang isang guro, ginagamit ni Najah ang edukasyon bilang kanyang sandata. Hindi lamang siya nagtuturo ng academic subjects, itinuturo rin niya ang leadership, self-worth, at women’s rights. Sa kanyang bawat klase, sinisigurado niyang ang mga estudyanteng babae ay naririnig at hindi napanghihinaan ng loob.
Pagkatapos ng kanyang klase ay hindi natatapos ang kanyang trabaho. Siya ay aktibo sa youth-led initiatives, community workshops, etc. Nag-oorganisa siya ng livelihood training para sa mga nanay, leadership camps para sa mga dalagang kabataan, at safe spaces kung saan maaaring magbahagi ng karanasan at pangarap ang mga kababaihan.

Photo Courtesy: Nonviolent Peaceforce
Hindi madali ang trabaho ni Najah, lalo na sa isang lugar kung saan limitado lamang ang mga resources, at kung minsan ay pati na rin ang suporta. Ngunit sa bawat batang babaeng natututo at nabibigyan ng lakas ng loob, nagkakaroon siya ng pag-asa.
Hindi lang personal ang laban ni Najah. Ang kanyang adbokasiya ay para sa isang mas inklusibong komunidad–kung saan ang kababaihan ay hindi lamang naririnig, kundi kinikilala bilang bahagi ng pag-unlad.
Si Najah ang patunay na hindi mo kailangang sumigaw upang marinig. Minsan, sapat na ang isang tinig na may layunin, isang puso na may malasakit, at isang guro na may paniniwalang ang babae, bata man o matanda, ay may kapangyarihang baguhin ang mundo.

Photo Courtesy: Nonviolent Peaceforce
Reference:
Cadorniga, D.R. (2024). How one young teacher is empowering students in the Bangsamoro region. Nonviolent Peaceforce.
The website design looks great—clean, user-friendly, and visually appealing! It definitely has the potential to attract more visitors. Maybe adding even more engaging content (like interactive posts, videos, or expert insights) could take it to the next level. Keep up the good work!