A New Woman Activist Empowered by Change

A New Woman Activist Empowered by Change

Written by: Joemar David Olmido

Para sa isang konserbatibong bansa tulad ng Pilipinas, ang pagtingin ng karamihan sa mga transman at transwoman o sinumang parte ng LGBTQIA+ ay mayroon pa ring kasamang panghuhusga o diskriminasyon. Patuloy man ang pag-usbong  at pagbago ng mundong ating ginagalawan, nariyan pa rin ang masamang pag-iisip o mindset ng karamihan sa mga taong parte ng LGBTQIA+. Sa kabila ng sandamakmak na diskriminasyong mayroon sa Pilipinas, hindi ito hinayaan ni Naomi Fontanos na pigilan siya na maging isang empowered woman.

Naomi Fontanos

Photo Courtesy: The Heroines Blogspot

Si Naomi Fontanos ay isang manunulat, feminist at trans rights activist. Marami siyang naranasang hamon magmula noong siya ay maging babae o transwoman. Ang mga hamong ito ay kadalasang nanggagaling sa personal challenges ng isang tao. Ilan sa mga hamon na ito ay ang pagharap ni Naomi sa mga transphobic people, societal expectations, at ang discrimination. Hindi makakailang sa panahon ngayon ay mahirap pa ring mapunta sa ganitong sitwasyon, lalo na kung nasa bansang kinokonsidera na ‘taboo‘ pa rin ang ganitong mga usapin.

 

Simula pa noong ipinanganak si Naomi, nasa puso na niya ang pagiging babae. Lumaki siya sa isang maliit na bayan sa Pilipinas. Isa siyang mahusay na estudyante, at dahil sa kaniyang paghuhusay ay nakapagtapos siya na may college degree sa University of the Philippines Diliman. Pagkatapos ng naman sa kolehiyo, siya ay naging licensed teacher at education consultant.

 

Bilang isang bagong babae, nahirapan din si Naomi na maibalik ang pagtanggap ng kaniyang pamilya sa kaniya. Naranasan din niyang ma-misgender, lalo na sa mga publikong lugar. Ang ganitong mga pangyayari ay kadalasang nagbibigay ng alinlangan sa sarili. May mga pagkakataon ring hindi siya nabibigyan ng tamang respeto dahil sa kaniyang pagbabago. Nakikita pa rin kasi ng ilan sa ating bansa na ang babae ay hindi nakaaangat, lalo na sa kaniyang kalagayan.

 

Kasama sa hamon ng pagiging bagong babae ay ang medical procedures na magpapatuloy sa kaniyang transition phase. Dahil din sa kaniyang sitwasyon, hirap din siyang makahanap ng trabaho. Mayroon pa ring employment discrimination sa mga taong tulad niya. Dahil sa stigma na ito, nahirapan si Naomi sa kaniyang mga pangangailangan. At dahil nga siya ay babae, mas naging mapanganib ang paglabas niya sa mga publikong lugar dahil dagsa pa rin ang mga taong walang galang sa paligid na katuwaang bastusin ang mga babae. Dahil sa pagiging bagong babae ni Naomi, kinailangan niyang bantayan ang kaniyang paligid at sarili laban sa mga panganib.

 

Ang mga hamong naranasan ni Naomi ay nagbigay sa kaniya ng kalakasan at humubog na siya’y maging aktibista. Siya ang co-founder at kasalukuyang Executive Director ng Gender and Development Advocates (GANDA) Filipinas. Ito ay isang nonprofit, nonpartisan at non-government organization may layuning ipabatid ang tunay na pagkakapantay-pantay ng kasarian para sa lahat ng Pilipino. Kasama at sa pangunguna ng mga transgender na kababaihan, ipinaglalaban at ipinababatid ng GANDA Filipinas ang mga nararapat na karapatang dapat taglayin ng mga transgender ay karapatang pantao.

Photo Courtesy: The Heroines Blogspot

Naging instrumento si Naomi sa iba’t ibang inisiyatibo na may layuning paunlarin at pausbungin ang mga karapatang taglayin ng mga transgender sa Pilipinas. Noong 2008, siya ang naging kauna-unahang transgender co-coordinator  ng Task Force Pride Philippines para ma-organize ang Annual Metro Manila Pride March. Noong 2011, isa si Naomi sa mga nagpetisyon ng pakikipag-ugnayan sa United Nations Human Rights Committee upang mabigyang pansin ng pamahalaan ng Pilipinas ang diskriminasyon at pagsubok na kinakaharap ng mga transgender sa Pilipinas. Pagkatapos noon, siya naman ay naging co-founder ng GANDA Filipinas noong 2012. Ito ang kaniyang naging daan para mabigyan ng atensyon ang ang karapatan ng bawat isa, lalo na sa mga transgender.

 

Marami na ring napagtagumpayan si Naomi sa ibang bansa. Siya ang naging representative ng Pilipinas sa mga international forums, kasama ang pagiging unang Pilipina na magsanay at magturo sa ibang katulad niyang aktibista. Nagbigay rin siya ng partisipasyon sa mga konsultasyon may kaugnayan sa HIV, STI, at iba pang medikong pangangailangan ng mga transgender sa Asya at sa Pasipiko.Kasabay ng mga napagtagumpayan niyang ito ay ang patuloy niyang pagtaguyod na maipasa ang Sexual Orientation and Gender Identity or Expression (SOGIE) Bill sa Pilipinas. Ito ay magbibigay ng proteksyon sa mga taong parte ng LGBTQIA+ sa diskriminasyon.

Ang isang empowered woman ay hindi lamang nakabase sa kung anong kasarian mayroon ang isang tao sa kaniyang kapanganakan. Ang empowerment ay para sa lahat. Ito ay ang pagkakaroon ng isang tao ng kontrol sa kaniyang buhay nang makamtan ang kaniyang mga layunin kahit pa marami ang pagsubok na kaniyang pagdaraanan.

 

Isa si Naomi Fontanos sa mga patunay na kaya ng isang empowered woman na magtagumpay sa buhay. Sa paggamit ng kalakasan at kaalamang nakamit niya sa mga karanasan sa pagharap sa mga hamon ng buhay, siya ay naging boses para ipaalam sa iba ang mga diskriminasyon at maling pagtratong nararanasan ng mga taong katulad niya. Lalo na noong matapos ang kaniyang transitioning sa pagiging isang babae. 

 

Maisasalamin kay Naomi Fontanos ang mga katangian ng isang empowered woman. Siya ay naghahatid ng inspirasyon sa mga kababaihan upang maabot nila ang kanilang mga mithiin at magkaroon ng kalakasang maging boses ng kanilang mga kwento.

References:

Naomi F. (n.d.). Naomi Fontanos: About Me. Global Voices Citizen Media Summit 2015.

https://globalvoicescitizenmediasum2015.sched.com/diabolllique 

 

Monika K. (2014). Interview with Naomi Fontanos. The Heroines of My Life. Blogspot.

https://theheroines.blogspot.com/2014/11/interview-with-naomi-fontanos.html

   

Monica R. (2012). STRAP Leads The Way In The Philippines Trans Pageant Debate. TransGriot. https://transgriot.blogspot.com/2012/04/strap-leads-way-in-philippines-trans.html 

 

@famoustransgenders (2013). Naomi Fontanos is one of the active transgender advocates and has contributed her knowledge and skills a lot to the different. Tumblr. 

https://famoustransgenders.tumblr.com/post/52457736257/naomi-fontanos-is-one-of-the-active-transgender

Comments

No comments yet. Why don’t you start the discussion?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *