Redefining Possible: A Story of Strength, Success, and Inspiration.

Redefining Possible: A Story of Strength, Success, and Inspiration.

Written by: Roshan Rareza

Ang bawat parte ng ating katawan ay may kaniya kaniyang katungkulan. Gaya ng bawat mamamayan sa isang komunidad, bawat tao ay may kaniya kaniyang tungkulin upang makakilos ang isang komunidad. Ngunit, paano kung ang isa sa parte ng iyong katawan ay sa isang iglap lamang ay hindi na makagalaw at magawa ang tungkulin nito? Paano muling kakayanin kung mawala ang nakasanayan mo? 

Mrs. Dahlia Barredo

Photo Courtesy: Barangay 171 Bagumbong Person with Disability Association Inc. Facebook Page

Ang kwento ng buhay ni Mrs. Dahlia Barredo ay puno ng mga aral tungkol sa buhay. Noong siya’y labing-pitong taong gulang pa lamang, isa siyang estudyante na puno ng pangarap at pagsisikap. Gaya ng ibang kabataan, normal ang kaniyang buhay sa kanilang eskwelahan sa University of the East sa Caloocan. Ngunit isang araw, nagkaroon ng matinding aksidente nang siya’y masagasaan ng isang bus sa harap mismo ng kanilang paaralan. Sa isang iglap, ang pangarap na kanyang binubuo ay tila naputol.

 

Napakahirap para kay Mrs. Dahlia, hindi lamang dahil siya’y isang teenager pa lamang, kundi dahil may mga pagkakataong nahirapan siyang lumabas ng bahay dahil sa hiya at takot na makutya ng ibang tao na hindi nakakaalam sa buong kwento ng kaniyang buhay. Ang mga simpleng gawain na dati’y bahagi ng kanyang kabataan, tulad ng pagsasama sa mga kaibigan tuwing simbang gabi, ay hindi na niya magawa. Sa halip, pinili niyang manatili na lamang sa bahay at magdalamhati.

 

Ayon kay Mrs. Dahlia, dumating sa punto ng buhay niya na tinanong niya ang Panginoon, “Lord Bakit ako? Ni magsinungaling, ni singko hindi ako nagnakaw”. 

 

Bumagal man ang naging takbo ng buhay ni Mrs. Dahlia sa naging pangyayari, hindi nito madadaig ang pangarap na mas nananaig sa kaniyang puso. Lumipas ang tatlong taon at muling siyang bumalik sa pag-aaral at kalaunan ay nagtapos siya sa kursong Bachelor of Science in Accountancy. 

 

Nagkaroon man ng limitasyon at diskriminasyon sa kainyang buhay, buong puso niya itong tinanggap at hinarap. Para sa kaniya, walang mangyayari kung magmumukmok lamang siya sa kaniyang kwarto. Ika niya, ang sarili mo lang mismo ang tutulong sa’yo upang makalabas at harapin ang mga pagsubok na ibinigay ng tadhana sa’yo. Marami mang hindi naniwala sa kakayahan niya ngunit pinatunayan niya na mali ang panghuhusga sa kaniya ng mga tao. 

Photo Courtesy: Barangay 171 Bagumbong Person with Disability Association Inc. Facebook Page

Ngayon, si Mrs. Dahlia ay isa ng Presidente sa Barangay 171 Bagumbong Person With Disability Association Inc. Layunin nito na tulungan at iangat pa ang mga taong may kapansanan sa kanilang komunidad. 

 

Una man niya’ng tinanggihan ang posisyon bilang presidente ng organisasyon, ngunit para sa kaniya baka ito na ang paraan upang matulungan niya ang mga kapwa niya PWD. Ikaw niya, bawat pangyayari sa buhay natin ay may kaniya kaniyang dahilan at layunin. Kung bakit siya naputulan ng isang binti ay siya ding kasagutan sa kung ano ang mas nagbigay layunin sa buhay niya ngayon bilang presidente ng organisasyon. Gaya ng pag gamit niya ng saklay upang ipagpatuloy ang buhay, ay siya ding ginamit upang akayin ang mga taong gaya niya upang iangat sa pagkakadapa.

Photo Courtesy: Barangay 171 Bagumbong Person with Disability Association Inc. Facebook Page

Ang kaniyang kuwento kung paano niya dinala ang kanyang sarili patungo sa tamang landas ay isang inspirasyon sa bawat isa na hindi hadlang ang kakulangan ng parte ng katawan upang magbigay liwanag sa mga taong nangangailangan. May pagkakataon man na magduda sa sarili ngunit isa ito sa mga prosesong pagdadaanan na dapat malampasan, at tanging sarili lamang ang makakatulong upang makaalis at makatungo sa dapat na puntahan.

Reference:

PTV Philippines (2024). PWD na nanay sa Caloocan, hindi lang naging sandalan ng kaniyang mga anak kundi maging ng… YouTube. https://www.youtube.com/watch?v=IpZC4V3L_3c

1 Comment

  1. Dahlia Barredo

    Thank you so much for sharing my story and allowing it to serve as an inspiration to others. It means a lot to me that my journey—filled with trials, triumphs, and purpose—can offer hope and encouragement to those who may be facing their own challenges. I hope that through my experiences, others will find strength to persevere and believe that resilience, compassion, and determination can truly make a difference. Maraming salamat po sa tiwala at suporta!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *