Overcoming Misogyny and Inequality by the Use of Art

Overcoming Misogyny and Inequality by the Use of Art

Written by: Princess Nicole Dalore

Kailan kaya natin makakamit ang pantay na karapatan at tingin pagdating sa mga kababaihan? 

 

Iyan ay isa sa mga karaniwang tanong ng mga kababaihan na hindi lamang nagmumula sa mga naging biktima ng karahasan, kundi pati na rin sa mga patuloy na nakararanas ng inequality, discrimination, at oppression sa bansa. Pero ano nga ba talaga ang sagot sa paulit-ulit na katanungang ito? Ating tuklasin sa istorya ni Nikki Luna na isa sa mga taong patuloy pa rin na lumalaban para sa karapatan ng mga kababaihan. 

 

Si Nikki Luna ay lumaki sa pangangalaga ng kanyang lolo at lola habang ang kanyang ina ay isang full time housewife. Noong siya’y bata pa lamang palagi niya nang naririnig ang usap-usapan ng kanyang ina at kapwa nito magulang noong siya ay nag aaral pa lamang. Kapag may nagtatanong sa kanyang ina tungkol sa trabaho nito ang lagi nitong sagot ay “Sa bahay lang. Nag-aalaga ng mga bata.” 

 

Mahirap tanggapin na hanggang sa kasalukuyang panahon ay nakatatak pa rin sa mga tao na ang mga babae ay para lamang sa mga gawaing pambahay. Minsan nama’y iniisip na hanggang pantahanan lamang at walang kakayahang tapatan ang trabaho na ginagawa ng mga kalalakihan. Hanggang dito na nga lang ba talaga ang kanilang kayang gawin? When do you think the day will come when we finally win our battle against discrimination and stop believing that women are only capable of doing household chores?

(Nikki Luna)

Photo Credits: Good News Pilipinas

Si Nikki Luna ay tinaguriang champion sa pagsusulong ng women’s right at female empowerment. Gamit ang kanyang talento sa pagpipinta ay naisulong ang kanyang adhikain para ipaglaban ang pantay na karapatan at patas na tingin sa mga kababaihan. Siya rin ay graduate ng Fine Arts sa UP. Ang kanyang pagsasanay ay nakatali sa mga komunidad na ang mga sanaysay ay sa pamamagitan ng sining. Binibigyan nila ng bagong konteksto ang kanilang mga karanasan mula sa isang lugar ng pang-aapi patungo sa isang posisyon ng kapangyarihan. Kilala rin si Luna sa kanyang papel sa pagtutok sa mga isyung panlipunan at pampulitika gamit ang pananaw ng feminism, na sumasaklaw sa mga isyung tulad ng misogyny, paggamit sa katawan ng kababaihan bilang sandata sa digmaan, at mga karapatang pantao ng kababaihan.

Photo Credits: Globale Journal

Sa kanyang passion sa paglaban sa mga karapatan ng mga babae sa bansa, nananatili siyang nakatuon sa pagbibigay pansin sa kalagayan ng mga batang Pilipino at mga kababaihan. Si Nikki ay patuloy na nakikipag tulungan sa iba’t ibang NGO maging sa ahensya ng gobyerno, internasyonal na organisasyon, akademya, internasyonal na pakikipagtulungan ng kababaihan at sa mga institusyong sining na nagdadala ng mga aktibidad na nakatuon sa kung paano pagtibayin ang women rights, pagpapatupad ng mga programa sa pagpapagaling o paggawa ng sining para sa mga kababaihan at bata na biktima ng karahasan at ang mga nawalan ng tirahan sa mga lugar ng labanan.

“To acknowledge such a sacrifice from the woman necessitates a call for awareness of gender roles, to help both women and (cis)men equalize obligations so that the mother does not need to carry all the reproductive workload.” — Nikki Luna

Photo Credits: nikkiluna.com

Si Nikki Luna ay isang women rights advocate. Sa isa sa kanyang mga proyekto na tinatawag na ‘Power In Her Story,’ nagsulat siya ng isang libro na nagtuturo sa mga batang lalaki at babae na pahalagahan at pangalagaan ang kanilang mga katawan. Sa kanyang exhibit, gumawa si Nikki ng isang likha na pinamagatang ‘This is how to be a woman of the world?’ Sa exhibit na ito, gumagamit si Nikki ng mga bagay na karaniwang pag-aari o kaugnay sa mga kababaihan upang ipakita ang umiiral na misogyny sa ating lipunan. Sa pangunahing exhibit na ito, makikita ang isang pabango na gawa sa marmol, kung saan isinama ang mga misogynistic na pahayag mula sa pangulo. Makikita rin dito ang isang full-body mirror na inilagay bilang paalala kung paanon pinapalakas ng kultura ng panggagahasa ang ideya na ang magagandang babae ay para pag-interesan o magahasa. Kumuha rin si Nikki ng inspirasyon mula kay dating unang Ginang Imelda Marcos na may isang eskultura ng mga kahoy na sapatos na suot niya sa inagurasyon ng kanyang asawa, ang diktador na si Pangulong Ferdinand Marcos noong 1965.

(Nikki Luna, ‘Dancing with a Dictator’ video, 2018.)
Photo Credits: Artist and Plural Art Mag

“This is not the first time that Luna has appropriated the President’s anti-women insults and pulled from them the power of protest, and it won’t be the last—as long as he is still in power, she will carry this load.”

Ang pamagat ng exhibit na ito na “This is how to be a woman of the world?” ay nagtatanong tungkol sa kalagayan ng mga kababaihan ngayon na isa ring paalala na magpatuloy sa paglaban. Si Nikki ay kumukuha ng inspirasyon mula sa mga magigiting na kababaihan na sa kabila ng mga pang-aabusong kanilang naranasan ay patuloy na lumalaban sa sistema. Ang kanyang laban para sa karapatan ng kababaihan ay inspirasyon mula sa mga kababaihan tulad nina Senator Leila de Lima, na nakaligtas sa panggagahasa noong Martial Law, Judy Taguiwalo, Emma Sulkowicz, at iba pa. Inihagis ni Nikki Luna ang mga damit ng mga kababaihang ito sa dagta bilang simbolo sa karahasan at pang-aabuso dulot ng misogyny at hindi makatarungang sistema. Ang mga kasuotang ito ay nagsisilbing alaala sa kanilang mga pagtugon at paglaban. Nilagyan din ni Nikki ng dagta ang damit ng kanyang anak para sa exhibit na ito, bilang pagpapakita ng sakit na natamo ng mga kabataang biktima ng pang-aabuso. Nikki showed that a pain of a mother is also the pain of another woman. Ipinapakita nito na ang pakikibaka ng isang babae ay kapareho ng pakikibaka ng iba, ngunit ang mga kababaihan ay hindi papayag na magpatuloy ang ganitong sistema.

Photo Credits: Scout Mag PH

“As far as I can remember, the only thing I’ve been sure of and have felt comfortable with is making art.” — Nikki Luna

 

Dahil sa walang sawang paglaban ng mga feminists para sa karapatan ng mga babae, onti-onti nang nababago ang toxic beliefs at stereotyping sa lipunan. Gayunpaman, hindi pa rin natitigil ang mga karahasan at pang-aabuso na nararanasan ng mga kababaihan sa kasalukuyang panahon. Kaya naman ay patuloy ring nagsisilbing boses ang mga kagaya ni Nikki Luna sa maraming babae at patuloy na nagbibigay inspirasyon upang marinig—hindi lang ng lipunan kundi pati na rin ng gobyerno—ang mga hinaing at adhikain ng mga kababaihan. Kung tayo ay patuloy na boboses sa mga hindi makatarungang pagtrato ng mga tao sa mga kababaihan, maiiwasan ang patuloy na pagdami nito.

Photo Credits: Nolisoli

“I wrote the story in early 2017. I always struggled with the thought of how else I can help aside from creating art, feminist art, talks, and workshops. I wanted something more accessible and that’s when I realized I should write a series of stories that can talk about girl’s/women’s human rights using art, illustrations, and simple words.” –- Nikki Luna.


Ang pagbabago ay kadalasang nagsisimula sa pagtanggal ng mga maling perspektibo at pagsuporta sa mga adbokasiya. Ipinakita ng istorya ni Nikki Luna na maraming paraan upang maihatid sa mga tao ang simbolo ng women’s strength at isa na roon ang paggawa ng sining. Hindi lamang pangmamaliit ang dinaranas ng mga babae kundi pati na rin ang mga hindi makataong bagay. Sa kabila ng lahat ng ito, patuloy na lumalaban ang mga babae at nagiging simbolo ng lakas at tapang. Sa pamamagitan ng sining, tulad ng ipinakita ni Nikki Luna, naipapahayag nila ang kanilang mga nararamdaman at karanasan. Ang mga obrang ito ay hindi lamang nagiging platform ng protesta kundi naging daan din upang mas mapalakas ang kanilang mga boses at maipakita ang kanilang halaga sa lipunan.


You are a woman, you should be proud of it.

References:

Emocling, O. (2019). This artist takes a stand against misogyny and tyranny in a new exhibit. 

https://www.scoutmag.ph/38783/nikki-luna-this-is-how-to-be-a-woman-of-the-world/

 

Nolisoli (2018). Feminist artist Nikki Luna wrote a children’s book about gender empowerment

https://nolisoli.ph/37951/feminist-artist-nikki-luna-wrote-childrens-book-gender-empowerment/

 

Nolisoli Team (2020). My name is not ‘mom’. 

https://nolisoli.ph/79867/nikki-luna-mothers-day-my-name-is-not-mom-20200509/

Comments

No comments yet. Why don’t you start the discussion?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *