Written by: Angelo Bueza
“𝘼𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙣𝙮𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙣𝙜𝙖𝙡𝙖𝙣 𝙖𝙮 𝙈𝙖𝙧𝙞𝙖 𝘾𝙡𝙖𝙧𝙖; 𝙨𝙞𝙮𝙖 𝙖𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙗𝙞𝙜𝙝𝙖𝙣𝙞𝙖𝙣 𝙖𝙩 𝙠𝙖𝙜𝙖𝙡𝙖𝙠𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙗𝙖𝙮𝙖𝙣, 𝙖𝙣𝙜 𝙝𝙪𝙬𝙖𝙧𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙡𝙞𝙣𝙞𝙨𝙖𝙣 𝙖𝙩 𝙠𝙖𝙗𝙪𝙩𝙞𝙝𝙖𝙣,” ito ang isa sa mga katagang inuugnay sa isang babaeng kumakatawan sa imahe ng kababaihan. Sumasalarawan sa binibining relihiyosa, malumanay, konserbatibo at hindi makabasag pinggan—siyang isang tunay na pamantayan. Simbolismo din ito hindi lamang ng pisikal at ang pagkakakilanlan ng isang babaeng Pilipino ngunit ganun din ang minamahal nating Inang Bayan—isang bansang nangangailangan ng kalinga, pagpapahalaga at kalayaan.
Noon, ang mga kababaihan ay mayroon lamang limitadong responsibilidad sa lipunan. Nariyan ang pagiging isang mabuting may bahay at asawa, taga-pangalaga ng mga anak, at paninigurong nasa maayos na kalagayan ang kanyang pamilya—isang maka bayaning gampanin ng ilaw ng tahanan. Ngunit sa paglipas ng panahon, unti-unting nagbago ang tungkulin ng mga ito. Natuto silang gawin ang mga bagay na itinuturing na hindi nila kayang tuparin o sa madaling salita panindigan ang akala nila ay pangkalalakihan lamang.
Ang ating mga katanungan ay umiikot sa paano nga ba nagsimula ang pagbabagong ito sa ating lipunan, ganun din ang pagsulong nila ng kanilang karapatan. Sa kung paanong paraan nila pinatunayan na kaya nilang makipagsabayan sa malalaking gampanin sa mundong kanilang ginagalawan. At higit sa lahat, sa impluwensiya ng mga dayuhan, 𝙈𝙖𝙨𝙖𝙨𝙖𝙗𝙞 𝙗𝙖 𝙣𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙉𝙖𝙢𝙪𝙢𝙪𝙝𝙖𝙮 𝙥𝙖 𝙖𝙣𝙜 𝙈𝙖𝙧𝙞𝙖 𝘾𝙡𝙖𝙧𝙖 𝙨𝙖 𝙆𝙖𝙨𝙖𝙡𝙪𝙠𝙪𝙮𝙖𝙣?
Maria Clara bilang Bayani

Photo Courtesy: Imahica
Siya ay nasa katauhan ni Gabriela Silang, Tinawag siyang “Joan of Arc” ng Pilipinas noong kanyang kapanahunan (Mayuga, 2023). Noong pinaslang ang kanyang asawa na si Diego Silang, hindi siya nagpatinag at pinagpatuloy ang pagaaklas laban sa mga dayuhang mananakop. Matagumpay niyang pinamunuan ang hukbong iniwan ng kanyang asawa at sinimulan siyang tawaging “Henerela” na ang ibig sabihin ay babaeng heneral (Bayani Art, n.d.). Siya ay may taglay na tapang at kakayahang mamuno, kaya naman naging inspirasyon siya ng mga kababaihan at kalalakihan na lumaban para sa kalayaan ng bayan (Wikipedia, 2020).
Maria Clara bilang Manggagamot

Photo Courtesy: Kahimyang
“If you survive, tell the people that the women of the Philippines did their part in making the ember sparks of truth and liberty alive ‘til the last moment.” – Josefa Llanes Escoda during World War II.
Si Josefa Llanes Escoda ay ang kinilala bilang “Florence Nightingale” ng Pilipinas dahil sa kanyang mga nagawa sa lipunan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig (MedPro International, 2023). Kasama sa katapangan at kabutihang nagawa ni Escoda ay ang pagtatatag niya ng Girl Scout of the Philippines, pangangampanya para sa karapatan ng kababaihan, at pagtataguyod ng bansa. Nakilala siya sa kanyang pagtulong at pag-alaga sa mga sugatang sundalo, mga mahihirap at nagugutom, at sa mga indibidwal na may karamdaman noong giyera laban sa mga hapon. Sa kabila ng nakaambang panganib sa pakikilahok sa mga gawaing panlipunan sa gitna ng digmaan, ipinagpatuloy ni Josefa ang kanyang pagtulong at buong tapang na tumindig sa kanyang mga prinsipyo (Mayuga, 2023).
Maria Clara bilang isang Beauty Queen

Photo Courtesy: Wikipedia
Si Gloria Diaz ang kauna-unang Miss Universe ng ating bansa, mahihinuha natin mula dito na kayang makipag-sabayan ni Maria Clara sa “International Stage” sa larangan ng pagandahan at patalinuhan bilang isang Miss Universe. Noong siya ay 18 yrs old, habang nag-aaral sa kolehiyo, siya ay sumali sa Binibining Pilipinas at nanalo noong 1969. Noong siya ay sumali at nanalo sa Miss Universe 1969 na ginanap sa Miami Beach, Florida, U.S., kinagiliwan ng mga hurado ang kanyang sagot sa huling tanong patungkol sa ‘mga lalaki sa buwan.’
Q: “In the next day or so, a man will land on the moon. If a man from the moon landed in your hometown, what would you do to entertain him?”
A: “Oh, just the same things I do. I think if he has been in the moon for so long, I think when he comes over he wants to change, I guess.”
Ang kanyang sagot ay kinakitaan ng ‘wittyness’ at ‘charm’ na nagpapakita ng kanyang mabilis na pag-iisip at kakayahang pangasiwaan ang isang mapanghamong tanong nang may kagandahang-loob. Siya ang kauna-unang Filipina na nanalo ng korona sa Miss Universe. Nakilala rin siya sa kanyang nakakatawang sagot sa tanong na:
Q: “Is it true that Filipinos use their hands when they eat?”
A: “Why? Do you use your feet?”
Maria Clara bilang Aktibista

Photo Courtesy: GMA Network
Si Alex Eduque ay kilala bilang founder at chairwoman ng MovEd, isang NGO na nagtutulak para sa early childhood education sa mga komunidad na hindi kayang makapagbigay ng magandang edukasyon. Siya ay kinilala sa kanyang mga gawaing boluntaryo at naging una at pinakabatang Filipino na pinarangalan sa Global Awards for Fundraising sa Amsterdam, Netherlands. Naniniwala siya sa kahalagahan ng tunay na outreach sa pagkakawanggawa—sa pamumuhunan ng oras at pera. Sinabi niya rin sa isang interview ng Tatler (2023): “Volunteerism forms the backbone of many non-profit organisations.” Dagdag pa niya, “That being said, I would advise this generation to inherit new wealth and resources to supplement the time they are lending with monetary resources in order to augment their involvement and fuel what they are most passionate about.”
Maria Clara bilang Mambabatas

Photo Courtesy: Tatler Asia
Si Senator Risa Hontiveros ay isang tagapagtaguyod para sa kalusugan at karapatan ng kababaihan, maipagmamalaki niya na siya ay aktibista, at isang tagapagtanggol ng mga pangunahing sektor. Siya ang unang sosyalistang babaeng Senador ng Pilipinas (Senate Electoral Tribunal, 2025) at kilala sa kanyang walang sawang pagtatrabaho at pagtataguyod ng kalusugan ng publiko, mga karapatan ng kababaihan at iba pang marginalized group, at ang kanyang kapakanan ng pamilyang Pilipino. Nakapagpasa din siya ng mga batas patungkol sa karapatan at kapakanan ng mga kababaihan tulad ng Expanded Maternity Leave Law (RA 11210) at Mental Health Law (RA 11036). Isa lamang patunay si Risa Hontiveros na hindi lamang ang mga kalalakihan ang may kakayahang gumawa at magpatupad ng mga batas kundi kaya rin ito ng mga babae kung nanaisin.
Kilala rin ang senador sa kanyang mga ‘words of encouragement’ sa mga kababaihang nawawalan ng pag-asang ipaglaban ang kanilang karapatan. Katulad ng kanyang sinabi sa aktres na si Liza Soberano noong ito ay naghatid ng talumpati ang aktres sa isang virtual event ng Gabriela Youth.

Photo Courtesy: Daily Tribune
Sa paglipas ng panahon, makikita natin ang patuloy na pagbabago ng papel ng kababaihan sa lipunang Pilipino. Mula sa imahe ni Maria Clara, na kumakatawan sa pagiging mahinhin at mahinahon, hanggang sa makabagong kababaihan na nagpapakita ng tapang, kahusayan, at kahalagahan sa bawat aspeto ng buhay—mula sa pagiging isang bayani, manggagamot, beauty queen, aktibista, at mambabatas. Ang mga kababaihan tulad nina Gabriela Silang, Josefa Llanes Escoda, Gloria Diaz, Alex Eduque, at Risa Hontiveros ay nagpabago sa karaniwang perspektibo at nagpatunay na ang mga kababaihan ng Pilipinas ay may kakayahan at lakas na makibahagi at magtagumpay sa mga larangan na dating tanging pinaghaharian ng mga kalalakihan.
Ang pag-unlad ng kababaihan sa ating lipunan ay isang patunay ng kanilang hindi matitinag na determinasyon na baguhin ang kanilang kapalaran at magbigay ng makulay na kontribusyon para sa mas maunlad na bansa. Habang patuloy ang kanilang paglaban at tagumpay, ang tunay na diwa ng isang Maria Clara—na may malasakit sa bayan at may tapang na harapin ang hamon ng panahon—ay muling nabubuhay sa bawat Filipinang may malasakit, tapang, at pangarap para sa hinaharap.
Hindi ka babae lang, babae ka.
References:
Mayuga, V. (2023, January 20). The Modern Persona of Maria Clara: Why There Was A Disentanglement from the Bygone Cultural Norm.
Wikipedia. (2020, October 29). Gabriela Silang.
https://en.wikipedia.org/wiki/Gabriela_Silang
Mansalay, M. (2015). Gabriela Silang – Bayani Art. Bayani Art.
https://www.bayaniart.com/articles/gabriela-silang-biography/
MedPro International. (2023, September 20). MedPro International Celebrates Josefa Llanes Escoda
https://medprointernational.com/medpro-international-celebrates-josefa-llanes-escoda/
Wikipedia. (2022, January 24). Josefa Llanes Escoda.
https://en.wikipedia.org/wiki/Josefa_Llanes_Escoda
Urban Farmer’s Notebook. (2023, April 3). Gloria Diaz Winning Answer to Q&A Miss Universe 1969. YouTube.
https://www.youtube.com/watch?v=5pwJouy1iuY
Wikipedia Contributors. (2025, March 3). Gloria Diaz. Wikipedia; Wikimedia Foundation.
https://en.wikipedia.org/wiki/Gloria_Diaz
Zoleta, V. (2019, March 13). 10 Outstanding Women Who Define Filipina Empowerment. Moneymax.
https://www.moneymax.ph/lifestyle/articles/outstanding-women-philippines
Tatler. (2022). Alex Madrigal Eduque.
https://www.tatlerasia.com/people/alex-eduque
Set. (2025, March 27). HON. SENATOR RISA HONTIVEROS.