Written by: Louise Wynzl Reyes
Simula bata hanggang paglaki, direkta man o hindi, naituturo sa atin kung ano ang basehan ng kagandahan ng isang babae. Maputi, makinis, petite, matangos ang ilong, o kung minsan sa maikling term ay tinatawag itong mestisa. Ngunit ano nga ba ang nagpapakita ng tunay na ganda ng isang Filipina?
Mula sa deskriptibong pananaliksik nila Mendoza & Palaganas (2023), isa sa mga pinagkukunan ng perspektibo ng mga Filipino sa kanilang beauty standards ay ang mga advertisements na ipinapalabas kung saan indirect na ipinapakita na ang kumpiyansa ng isang babae sa kaniyang sarili ay makukuha sa pamamagitan ng paggamit ng whitening creams o mga pampaputi ng balat. Sinusundan rin ito ng iba’t-ibang supplements tulad ng pampatangkad at pampapayat.
“In the Philippines, certain beauty standards have been shaped by various factors such as colonisation, globalisation, and media influences” (HAPI Humanists, 2023). Dahil sa iba’t-ibang bansang sumakop sa Pilipinas noon, naimpluwensyahan ng mga kolonisador ang mga Filipino at nagkaroon ng unrealistic standards pagdating sa panlabas na anyo ng mga kababaihan. Malaking factor rin ang globalisasyon at ang social media. Bilang resulta, naging laganap and bullying kung saan madalas na nangyayari ang body shaming, face shaming, colorism, at iba pa. Nagkaroon rin ito ng malaking negative impact sa mental health ng mga kababaihan at nakasira ito sa kanilang kumpiyansa sa sarili—kung saan kanilang nararamdaman ang matinding pangangailangan na baguhin ang panlabas na anyo makamit lamang ang beauty standards sa lipunan.

Photo Courtesy: Mind Help
Bagaman nagamit ang iba’t-ibang social media platforms upang mas maipalaganap ang adbokasiya ng women empowerment, patuloy pa rin ang pagragasa ng mga mysoginistic comments sa mga kababaihan—madalas sa mga ito ay ang pagpuna sa kanilang mga physical appearance. “Given the technological advancements present in the 21st century, a bigger pressure on beauty standards has been made where not many can make the cut without having to sacrifice their authentic beauty” (Bambao et al., 2021). Isang halimbawa na lang nito ang beauty filter trends sa social media application na Tiktok kung saan malaking pagbabago ang naibibigay nito sa itsura ng gumagamit. Kabilang na dito ang pag-adjust ng ilong, bibig, pagbabago ng kulay ng balat, at iba pa. Dahil rito, mas nagkaroon ng dahilan ang mga kababaihan na itago o baguhin ang madalas na tawaging ‘imperfections’ sa kanilang pangangatawan.

“Dark knees and elbows, dry skin, lines on my underarms, patchy pigmentation, stretch marks, and all these things that prevent us from doing things we want to do. I have them all.” – Inka Magnaye
Photo Courtesy: Inka Magnaye (Instagram)
Dahil mas malaki ang negatibong epekto ng beauty standards kaysa sa magandang dulot nito, patuloy pa ring ipinapalaganap ng mga kababaihan ang body positivity sa iba’t-ibang plataporma ng social media. Mula sa konklusyon ng pananaliksik ni Bambao et al. (2021), ngayon na ang tamang oras upang alisin o bawasan ang mga stereotyping sa kinalakihang lipunan. Patuloy pa na hinihikayat ng mga kababaihan ang bawat isa, upang makagawa ng komunidad kung saan suportado sila at ligtas sa mga mapanghusgang mata.
“Life is too big to be experienced exclusively in front of the mirrors, and life can’t be measured on a scale. Pretty is best felt.” – Ayn Bernos

Photo Courtesy: Ayn Bernos (Instagram)
Beauty is in the eyes of the beholder. Mapa-morena, mestisa, chinita, o kung ano pa man ang isang Filipina, hindi magbabago ang katotohanang siya ay isang Filipina. In the end, what matters most is we embrace who we are and what we have. Be proud of where you came from.
You are beautiful, no matter what.
References:
Palaganas, S. and Mendoza, M. (2023). BINIBINING PARFAITE: A Descriptive Study of the Capsulated Beauty Standards of Young Filipinas.
https://animorepository.dlsu.edu.ph/cgi/viewcontent.cgi?article=1765&context=conf_shsrescon
HAPI Humanists (2023).The State of Beauty Standards in the Philippines.
https://hapihumanist.org/2023/07/18/the-state-of-beauty-standards-in-the-philippines/
Bambao, B., Carilla, B., Navarro, D., Mariano J., Garcia, L., Frigillana, S., and Puapo, T. (2021). Lived Experiences of Filipinas in Adhering to the Beauty Standards in TikTok.
https://animorepository.dlsu.edu.ph/conf_shsrescon/2021/paper_ghi/9/