Overcoming Challenges of Teenage Pregnancy: Zianne Tremedal’s Story

Overcoming Challenges of Teenage Pregnancy: Zianne Tremedal’s Story

Written by: Nicole Dalore

Ang pagiging ina ay isa sa mga mapanghamong tungkulin na dinaranas ng maraming kababaihan, ngunit gaano nga ba kahirap ang nararanasan ng isang batang ina? Mula sa pagdadalang-tao sa murang edad at sa hindi handang kalagayan, iilan pa sa kanilang mga idinaraing ay ang mga mapanghusgang mata, ang pangangailangan na itigil ang pag-aaral resulta ng mabigat na responsibilidad, at ang mga mahihirap na sintomas ng pagbubuntis. Sa kabila ng mga hamong ito, paano kaya nakakayanan ng mga kababaihan na malagpasan lahat ng ito?

 

Ang kabuuang pagbubuntis ng mga kababaihan na may edad 15 o pababa ay tumaas ng 35% mula sa 2,320 live births noong 2021 at naging 3,135 births sa taong 2022 (Save the Children, 2024). Sa kasalukuyang panahon, patuloy pa itong tumataas dahil sa iba’t-ibang sanhi. Marami rin itong masamang epekto hindi lang sa katawan kundi pati na rin sa kalusugan ng isang babae. Ilan sa mga ito ay ang health risks, mood swings, mental health issues, at marami pang iba (Bunag, 2023). Base sa madalas na paniniwala ng mga tao sa Pilipinas, ang teenage pregnancy ay isang pagkakamali sa maraming paraan. Kaya naman malaking bilang rin ng mga kababaihan ang dumaranas ng slut shaming, cyberbullying, at iba pang mga masasakit na salita dahil sa panghuhusga ng iba.

 

Ang pagiging ina ay hindi biro, ito ay panghabambuhay na paglalakbay at malaking yugto sa buhay. Isa itong malaking responsibilidad na dapat pinaghahandaan ng isang babae. Ngunit paano kung hindi ito napaghandaan? Ito ba ay maaaring maging dahilan upang matigil ang ang payapa at masayang buhay ng isang dalaga? Tuklasin ang mahalagang aral sa kwento ni Zianne Tremedal na isang inspiring teenage mom.

Zianne Tremedal

Photo Courtesy: Smart Parenting

Si Zianne Tremedal ay isang Medical Technology student na naging isang ina sa edad na 18. Sa isang panayam sa Smart Parenting, inamin niya na itinuturing niya ang kaniyang sarili bilang isang black sheep sa kaniyang sariling pamilya. Sinabi niyang lalo pa raw niyang napatunayan ang ganitong imahe sa pamilya nang malaman niyang dalawang buwan na siyang buntis. Siya ay 18 years old noon at magsisimula na sana sa kaniyang ikatlong taon bilang isang mag-aaral sa Medical Technology sa Southwestern University sa Cebu City.

 

Nang magpunta siya sa malapit na klinika para magpa-ultrasound, doon niya nalaman na 8 weeks old na ang fetus sa loob ng kaniyang sinapupunan. “Naiyak ako. Hindi ko alam kung tears of joy or sadness. Pero sa totoo lang, ang sarap sa pakiramdam ‘pag narinig mo ang first heartbeat ng baby mo”, sabi niya.

Dahil ang kanyang pamilya ay nakatira sa Mindanao, nalaman lang ng kaniyang mga magulang ang tungkol sa kanyang pagbubuntis sa pamamagitan ng isang tawag sa telepono. Sinabi ni Zianne na ang kaniyang ina ay tumanggi na makipag-usap sa kaniya sa loob ng dalawang linggo habang ang kaniyang ama ay nahirapan ring tanggapin ang nangyari. Bagama’t siya ay nabuntis sa murang edad, hindi siya pinalayas ng kanyang mga magulang o binawian ng suporta. 


Matapos mapagtagumpayan ang isang hamon, isa na naman ang bumangon at dumating si Zianne sa puntong kailangan niyang magdesisyon kung gusto niyang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral o bumalik sa Mindanao. “Gusto kong magtapos on time kasi ‘yun ang gusto ng parents ko,” she says. “Gusto ko ring maibalik sa kanila ang lahat ng binigay nila sa akin at sa anak ko.” Sinabi niya sa isang panayam. 

Photo Courtesy: Smart Parenting

Nagpasya naman si Zianne na humingi ng permiso sa kanyang college dean at sa kanyang mga professors para lang maipagpatuloy ang kanyang pag-aaral at matapos ang kanyang huling dalawang taon. “Sabi ko na desidido ako makapagtapos ng pag-aaral,” she shares. Nabahala man ang faculty sa kanyang sitwasyon ngunit kalaunan ay pinagbigyan din siya ng mga ito. “Tinanong nila ako kung kakayanin ko kasi lahat ng major subjects. Pwede raw akong ma-stress at kawawa naman ‘yung baby. Sabi ko, kaya ko po talaga,” dagdag pa ni Zianne.

 

Pumupunta si Zianne sa silid-aklatan araw-araw pagkatapos ng kanyang mga klase para makatulog siya ng walong oras. Sa kabilang banda, tinulungan siya ng kanyang mga kaklase at ginawa ang lahat para matulungan siya. Nagboluntaryo pa silang bitbitin ang kanyang bag habang nasa paaralan sila. Para sa kanyang maternal milk, tumanggi si Zianne na humingi ng dagdag na pera sa kanyang mga magulang. She tried her best to get by her allowance to provide the necessities for her baby and asked for free milk and vitamins from her ob-gyn.

 

Inamin rin ni Zianne na ang pagsasawalang-bahala sa mga mapanghusgang mata at pagtitiis sa mga masasakit na salita mula sa ibang tao ay ang naging pinakamahirap na punto para kay Zianne. Ibinahagi niya rin na talagang nakaapekto ito sa kaniyang araw-araw na pamumuhay. Gayunpaman, hindi niya hinayaang mapangunahan siya ng hiya at takot sapagkat naniwala siya na ang pinaka-mahalaga sa lahat ay ang kapakanan ng kaniyang anak.

 

Photo Courtesy: Smart Parenting

Sa kabila ng hamon na iyon, naipasa ni Zianne ang unang semestre ng kanyang ikatlong taon. Then, after two weeks of her second semester that started, she gave birth to a healthy baby boy whom she named Euri Aszher, which means “blessed light of God.”


Sa kasamaang palad, kinailangan ni Zianne na mapalayo kay Euri pagkatapos ng isang linggo. Dinala niya ito sa Mindanao, kung saan nakatira ang kanyang mga magulang, upang maalagaan ang kaniyang sanggol habang ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral upang makapagtapos.


Zianne struggled every day to give her baby breast milk for four months. “Nag-pa-pump ako habang nag-aaral,” she reveals in her Twitter. “Ilang bottles pinupuno ko tapos nilalagay ko sa freezer at pinapadala sa Mindanao through ice bucket. Cargo lang thrice a week.” she added.


She also had to endure the pain of being away from her baby. Her parents then would call her via video chat, but she couldn’t bear it especially when her baby was crying. “Umiiyak ako parati. Every time na naririnig kong umiiyak siya, gusto ko nang umuwi,” she said. “Kaso alam ko kailangan kong tiisin ang lahat ng lungkot, kasi para sa kanya ‘yung pag-aaral ko.” she added.

Photo Courtesy: Smart Parenting

Through time-to-time struggles and challenges, her hard work has finally paid off. In April 2018, she proudly shared on Twitter that she was able to graduate and get her Medical Technology degree without any delay and failed subjects. Euri, on the other hand, continues to be healthy and strong. For Zianne, it has been a long journey of her life, but she is grateful that her parents were able to guide her and support the decisions she made for herself and her baby and that they never disowned her. “Regrets are inevitable, so are mistakes. Nagkamali ako pero hindi ibig sabihin ay uulitin ko ito,” she says. “And that one mistake taught me a valuable lesson.” Zianne didn’t only pass the board exams but ranked 8th overall.

 

Ang kwento ni Zianne Tremedal ay patunay na ang kababaihan ay may kakayahang bumangon sa kabila ng matitinding pagsubok, lalo na sa hindi inaasahang yugto ng pagiging isang batang ina. Bagamat hindi madali ang kanyang pinagdaanan, pinili niyang harapin ang realidad at ipagpatuloy ang kanyang pangarap—hindi para gawing magaan ang teenage pregnancy, kundi upang ipakita na may pag-asa pa rin pagkatapos ng isang pagkakamali. Ang kanyang lakas ng loob, determinasyon, at pagmamahal sa anak ang nagsilbing gabay niya sa pagharap sa mundo. Hindi man perpekto ang mga desisyong nagawa, nagpatuloy siya sa laban na may dignidad at layunin. Nawa’y magsilbing paalala ang kaniyang kwento na ang bawat babae ay may karapatang magsimula muli, magtagumpay, at maging inspirasyon sa iba—sa tamang panahon at sa tamang paraan.

 

With courage in her heart and purpose in her steps, a woman can rise above any challenge and turn dreams into reality.

References:

Bunag, L. (2023). Teen Pregnancy in the Philippines: A National Problem. Hello Doctor PH.

https://hellodoctor.com.ph/sexual-wellness/teen-pregnancy-in-the-philippines/ 

 

Jump of 35 % in teen pregnancies in the Philippines prompts calls to increase sex education and health services. (2024). Save the Children International.

https://www.savethechildren.net/news/jump-35-teen-pregnancies-philippines-prompts-calls-increase-sex-education-and-health-services 

 

Elicay, K. (2018). Pregnant at 18, Teen Endures Stares and More to Finish Her MedTech Degree. Smart Parenting.

https://www.smartparenting.com.ph/life/inspiration/pregnancy-didn-t-stop-this-teen-mom-from-graduating-college-a00228-20180511

 

Yap, K. (2019). 18 taong gulang na nabuntis, sinikap na makatapos sa pag-aaral sa gitna ng mga pambabatikos. Kami PH.

https://kami.com.ph/96257-18-taong-gulang-na-nabuntis-sinikap-na-makatapos-sa-pag-aaral-sa-gitna-ng-mga-pambabatikos.html

Comments

No comments yet. Why don’t you start the discussion?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *