Written By: Louise Wynzl Reyes
Sa kasalukuyang panahon, maraming kababaihan na ang bumabasag sa mga lumang pananaw tungkol sa kung ano lang ang “pwede” at “dapat” para sa kanila. Pero ano nga ba talaga ang ibig sabihin ng pagiging empowered woman?
Mula sa kasaysayan ng mga kababaihan, makikita na marami na silang pinagdaanan. Ilan sa mga iyan ay ang paglaban sa kanilang mga karapatan sa kabila ng mga batas na pumapabor sa pamumuno ng mga kalalakihan, ang pag-overcome sa gender stereotyping at sa iba’t-ibang klase ng panlalait at pangmamaliit ng lipunan, at higit sa lahat, ang pagsira sa kanilang dignidad at pang-aabuso sa kanilang mga kahinaan.
Sa paniniwala ng karamihan, ang salitang ‘empowered woman’ ay kadalasang ibinabansag sa mga kababaihang mayroong malalaking kakayahan sa kanilang buhay o mga kababaihan na tumitindig sa kanilang mga ipinaglalaban. Ayon sa isang interview ni Bianca Gonzalez kay Karen Davila sa kaniyang YouTube channel, iyan ay ang common perspective ng mga tao lalong-lalo na ng mga netizens. “Ang isang empowered woman ay hindi palaging palaban,” ika ni Bianca. “Kapag sinabing empowered woman, hindi ito palaging galit. Ito ay isang babaeng nag-iisip, may stratehiya, at alam kung kailan siya dapat magagalit o hindi,” dagdag naman ni Karen.

Photo Courtesy: PopSugar
The big question is: Are women only considered empowered when they are able to achieve something big? What defines those achievements? Is it always about fighting and speaking up for other people? What really defines a strong woman? Many articles have featured women who have obtained trophies, numerous awards, and most especially, women who have left a significant change to the country—which they really deserve. But what about the other women who fight an everyday battle? Battles that are different from the rest? And battles that are not always recognized by everyone?
Ang lakas ng isang babae ay hindi lamang nakikita sa malalaking tagumpay o sa pagiging kilala sa publiko. Maraming kababaihan ang nagpapakita ng tunay na lakas sa kanilang araw-araw na buhay. Halimbawa na lang dito ay ang mga kababaihang ginagawa ang lahat ng kanilang makakaya upang mabigyan ng mas magandang buhay ang kanilang pamilya. Sila rin ang mga nagtatrabaho sa iba’t-ibang larangan o kaya naman ay ang mga nag-aaruga ng kanilang mga anak at nagtataguyod ng tahanan.
Ang empowerment ay makikita rin sa mga kababaihang patuloy na lumalaban sa mga tradisyonal na pananaw ng lipunan. Tulad na lang ng mga inaasahang papel ng mga babae sa kanilang komunidad. Sa mga lugar kung saan ang mga kababaihan ay inaasahang magtago sa anino ng kanilang mga asawa, may mga kababaihan na patuloy pa ring lumalaban para sa kanilang mga karapatan.

Photo Courtesy: Kiran Kreer
Women’s empowerment has five components: women’s sense of self-worth; their right to have and to determine choices; their right to have access to opportunities and resources; their right to have power to control their own lives, both within and outside the home; and their ability to influence the direction of social change (Europian Institute for Gender Equality, 2023). Sa madaling salita, ang pagiging empowered woman ay hindi lamang natutukoy sa iisang paraan, sapagkat ito ay may iba’t-ibang anyo.
“Empower one woman—and she herself will raise others with her.”
— Leni Robredo
Ang pagiging isang empowered woman ay hindi rin tumutukoy sa pagiging perpekto, hindi lang ito nababase sa iisang pamantayan o sa pagiging aktibo sa paglaban sa karapatan. Ang pagiging empowered woman ay isang proseso ng malalim na pagkilala sa sarili at pag-unawa sa sariling kakayahan, pati na rin sa pagkakaroon ng freedom at kakayahan na magtakda ng layunin at desisyon sa sariling buhay. At higit sa lahat, hindi kinakailangang magmukhang “palaban” o “matapang” upang mapatunayan na empowered ang isang babae. Sapagkat ito ay personal journey ng bawat babae sa paghahanap ng kanilang halaga, layunin, pagkamit ng mga oportunidad, at pagtataglay ng lakas sa paglikha ng pagbabago – hindi lamang para sa sarili, kundi para sa nakararami.

Photo Courtesy: ArtStation
Ang women empowerment ay isang patuloy na proseso ng paglago, isang selebrasyon ng pagiging buo, at ang malalim na pag-unawa na ang bawat babae, anuman ang kalagayan o pinagmulan, ay may karapatang magtaglay ng kapangyarihan sa kanyang sariling buhay.
A woman who fights and shines in her own inspiring way is an empowered woman.
References:
EIGE. (2023, June 9). Empowerment of Women. European Institute for Gender Equality.
https://eige.europa.eu/publications-resources/thesaurus/terms/1246?language_content_entity=en
Bianca G. (2024, April 29). Ano nga ba ang isang EMPOWERED WOMAN?. YouTube.