Breaking Silence: A Survivor’s Path to Advocacy and Empowerment

Breaking Silence: A Survivor’s Path to Advocacy and Empowerment

Written by: Rochelle Legaspi

Sa mundong puno ng karahasan, may lugar na ba ang mga kababaihan kung saan ang kanilang mga boses ay mapakikinggan?  

 

Si Phoebe Nicole Fructuoso ay ang 27-taong gulang na chairwoman ng PAVE (Promoting Awareness, Victors’ Empowerment) Philippines– isang non-profit organization na naglalayong magbigay ng libreng mental health at legal counseling para sa mga victim/survivor ng sexual violence. Ibinahagi niya ang kanyang karanasan sa isang interview ng vlogger/broadcaster na si Christine Babao. Ito ay nagsilbing matinding paalala sa patuloy na pagkalat ng sexual violence at ang pangangailangan ng mas malaking suporta para sa mga biktima nito.

Photo Credit: Alike Media Inc.

Nagsimula ang kwento ni Phoebe sa isang bar sa kanilang komunidad, kung saan nakita niya ang kanyang sarili na napapalibutan ng isang grupo ng mga kaibigan, kabilang ang tatlo mula sa kanyang mga kaibigan noong high school. Kilala niya ang kanyang mga kaibigan simula pa noong high school sa loob ng maraming taon. Ngunit habang itinuturing niya ang mga ito bilang nakatatandang kapatid, isa sa mga lalaki na bagong dating sa grupo, ang magiging isang malaking mitsa sa kanyang trauma.

 

Nagsimula ang masalimuot na pangyayari ng gabing iyon nang ipagpatuloy ng grupo ang kanilang inuman sa bahay ng kanilang bagong kaibigan na lalaki. Ikinuwento ni Phoebe ang mga pangyayari ng gabing iyon nang may nakakapanindig-balahibong kalinawan, na binibigyang-diin ang kahinaan na naramdaman niya sa gitna ng mga kaibigan—ang pakiramdam na siya ay pinagtaksilan at ang psychological impact sa kanya ng nangyaring sexual assault.

 

Inilarawan ni Phoebe ang kanyang karanasan bilang isang collective act of violence, kung saan ang mga lalaki ay salit-salitan sa pang-aabuso sa kanya, pagpigil, at ang pagpapa tahimik sa kanyang mga sigaw. Naalala niya ang isang bahagi ng pangyayari nang ang isa sa mga lalaki, na hanggang ngayon ay sinabi niyang malaya pa rin, ay bumulong ng “Blanco, Blanco” habang siya ay nalilito at nanghihina. Naniniwala si Phoebe na ito ang kanilang pre-arranged code phrase, na nagpapakita lamang ng isang pinlanong pag-atake.

 

Ang nangyaring  pang-aabuso ay nagdulot ng matinding kahihiyan, takot, at self-doubt sa kanyang sarili.  Sa una, itinago ni Phoebe ang kanyang karanasan, nakipag-buno sa kanyang mga emosyon at umasa sa sariling pananampalataya. Gayunpaman, pagkatapos ng dalawang linggo, dahil sa pag-aalala ng isa pa niyang kaibigan, sa wakas ay nagtapat siya sa kanyang ina.

 

Ang pagbubunyag sa kanyang ina ay nagdulot ng isang alon ng emosyon sa loob ng pamilya na nag-udyok ng cycle of support  at legal action. Ang bigat ng karanasan, na sinamahan pa ng mahirap na legal process, ay nag-iwan ng mas masakit na epekto, na pinalala ng pangangailan na isulat ang kanyang testimony sa tagalog na siya namang hindi niya ginagamit upang pangunahing wika. Nakadagdag ito sa kaniyang pag-aalinlangan at kahinaan sa ikinakaharap niyang  pagsubok.

Photo Credits: Philippine Daily Inquirer

“It took me two years to forgive them. Forgiveness is essential for healing, but it’s not a quick fix. It’s a process.” – Phoebe Nicole Factuoso

 

Ang prosesong kanyang tinutukoy ay binubuo ng pagharap sa kanyang trauma, paghahanap ng hustisya sa pamamagitan ng legal system (na nagreresulta ng 10-12 years na sentensya sa mga nagkasala), at sa huli ay paghahanap ng kapayapaan sa pamamagitan ng pananampalataya at pagpapatawad sa sarili.

 

Ang kwento ng pagiging survivor ni Phoebe ay humantong sa kanya upang maitatag ang PAVE Philippines. Ang initiative na ito na nabuo mula sa kanyang sariling karanasan ay nagbubukas-isip na hindi dapat itago at ipagsa-tahimik na lamang ang mga  ganitong sexual violence. Binigyang-diin niya ang importansya ng pagbibigay ng karapatan sa mga biktima na ibahagi ang kanilang nararamdaman imbis na isisi ang nangyari sa kanila at dapat panagutin ang mga nagkasala.

 

“The shame is not on the victim, but on the aggressor.” mariing pahayag niya.

 

Ibinahagi ni Phoebe ang datos ng isang ulat noong 2022 na nagpapahiwatig na 22 ang nauulat na kaso ng panggagahasa bawat araw sa Pilipinas—isang bilang na naniniwala siyang hindi gaanong sumasalamin sa tunay na sukat ng problema dahil sa mga kwentong hindi pa naisisiwalat sa publiko.

“At least one person gets raped every hour in the Philippines.” Ika niya at binigyang-diin ang dagling pangangailangan para sa mas mataas na kamalayan at suporta.

 

Tumagal ng walong taon para maresolba ang kaso ni Phoebe.  Sa pamamagitan ng pagtitiyaga at hindi pagbabago ng suporta mula sa kanyang pamilya at mga kaibigan, matagumpay na nakuha ang 10-12 taong sentensya para sa mga nagkasala sa kanya. Ang ebidensya na tumulong upang ang mga ito ay maidiin ay isang group chat na nakuha mula sa telepono ng isang kaibigan, na nagpapakita hindi lamang ng kanilang pag-amin sa panggagahasa kundi pati na rin ang nakagagambalang mga mensahe na nagpapakita ng kanilang pagsasawalang-bahala sa dinanas ni Phoebe at sa ibang pang mga kababaihan. Kasama sa mga mensahe ang mga komento tungkol rin sa “panggagahasa” sa ibang mga kababaihan at maging ang mga banta sa buhay na nakadirekta kay Phoebe.

Photo Credits: Preview.ph

Ang kwento ni Phoebe sa pag galing ay nagpatuloy. Niyakap niya ang kanyang pananampalataya, ang suporta ng kanyang mga mahal sa buhay, at ang gawaing ginagawa niya sa pamamagitan ng PAVE Philippines. Hinihikayat niya ang mga nakaligtas na humingi kaagad ng tulong, na binibigyang-diin ang kahalagahan ng pagbabahagi,  kahit na hindi ito kaagad pagkatapos ng pang-aabuso. Binibigyang-diin din niya ang pagkakaroon ng mga mapagkukunan ng tulong tulad ng Women and Children Help Desk para sa kababaihan at mga kabataan, na nag-aalok ng isang lifeline sa mga nangangailangan.

Photo Credits: PAVE Philippines

Ang kwento ni Phoebe ay nagsisilbing isang makapangyarihang patotoo sa pagiging matatag ng mga nakaligtas at ang pangangailangan na mapuksa ang katahimikan na nakapalibot sa sexual violence. Tumayo siya bilang isang advocate, hindi lamang para sa kanyang sarili, kundi para sa bawat nakaligtas na pinatahimik, pinagtabuyan, at tinanggihan ng hustisya. Itinatampok ng kanyang kuwento ang mga komplikasyon ng paggaling, ang pangangailangan para sa hindi nagbabagong suporta, at ang kahalagahan ng pagsasalita laban sa laganap na kultura ng victim-blaming.

 

Sa kasalukuyang panahon, marami pa ring nagaganap na violence sa mga kababaihan. Dapat tayong manindigan para sa mga karapatan ng kababaihan, hindi lamang para magbigay proteksyon at suporta, kundi para wakasan ang patuloy na pag-taas ng cases ng rape at violence sa bansa.

 

STOP BLAMING THE VICTIM.

Know more about PAVE Philippines:

https://www.instagram.com/pavephilippines?igsh=MWY1d2IyOGkxOHNyZw== 

 

References:

Christine Babao’s Channel (2024). PHOEBE FRUCTUOSO: HOW I SURVIVED. 

https://www.youtube.com/watch?v=wLPGg4l0L3Y



1 Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *