Written by: Roshan Rareza
FILIPINOS are known for their resilience and for fighting for what they believe is right, especially when it comes to human rights. Minsan mo na rin bang naisip– paano kaya nalagpasan ng ating mga kababaihan ang mga pagsubok na tinamo mula sa nakaraan?
Ang kasaysayan ng mga kababaihan sa Pilipinas ay nagpapakita ng mahahalagang yugto kung saan ipinakita nila ang tagumpay, mga pagsubok, at tagumpay sa pakikipaglaban para sa kanilang mga karapatan. Sa panahon ngayon, importante na alamin natin ang istorya kung paano nga ba nagkaroon ng kalayaan at kung paano ipinaglaban ng mga kababaihan ang kanilang mga karapatan katulad na lamang ng pagboto, education, at pagtatrabaho.
“We, women, will not truly be free when our basic rights are routinely denied to us. We must continue to fight; there is no other way.” – Senator Risa Hontiveros.

The “History of Philippine Medicine” mural by Carlos “Botong” Francisco in detail.
Photo Credits: XiaoChua.net
Simulan natin ang history ng kababaihan sa Pre-colonial Period. Noong Pre-Colonial Period, ang mga kababaihan ay nakakakuha ng equal respect tulad sa kalalakihan at gaya ng mga lalaki, mayroon din silang important roles na dapat gampanan sa kanilang komunidad. Madalas sa mga kababaihan noong Pre-colonial period ay mga healers, traders, at spiritual leaders o mga babaylan. Babaylán ang tawag sa mga nagsilbing manggagamot at tagapamahala ng katutubong kultura bago ang pananakop ng mga Español sa Filipinas (V. Almario, 2015). This is just one example of traditional culture where women have the ability to lead and the capacity to make decisions.
Nang dumating ang mga Spanish colonizers noong 16th century, dito na nagsimula ang pagkakaroon ng unequal na pagtrato sa mga kababaihan. Ipinalaganap ng mga Spaniards ang mga bagong beliefs at values na nag impluwensya sa expectation ng kung ano ba ang nararapat gawin ng isang gender. Ipinakilala ng mga Español sa mga Pilipino kung ano ang ideya nila sa pagiging babae at pagiging lalaki.
Nagpatayo ng mga paaralan, seminaryo, at unibersidad ang mga Español, ngunit karamihan lamang sa may kakayahang makapasok dito ay kalalakihan. Ang role at status ng mga kababaihan sa panahon ng mga Español ay nalilimitahan lamang sa mga gawaing bahay gaya ng pagsisilbi sa kanilang mga asawa, pagluluto, paglalaba, at pag aalaga ng mga anak. Ito ay dahil sa paniniwala ng simbahan na tanging sa bahay lamang nararapat ang mga kababaihan.


(María Josefa Gabriela Cariño Silang) (Gregoria de Jesus)
Photo Credits: Bayani Art Photo Credits: The Kahimyang Project
Dahil ang mga Filipina ay likas na matatapang at tatayo sa kung ano ang tama, nagkaroon ng lakas ng loob ang mga kababaihan na ipaglaban ang kanilang karapatan. Si Gabriela Silang at si Gregoria De Jesus ang ilan sa karamihan ng mga kababaihang lumaban para sa pantay na karapatang pantao at sumali sa Philippine Revolution of 1896.
Ang status at roles ng mga Filipina ay dumaan sa iba’t ibang pagsubok at transpormasyon pagpasok ng 20th century. Dumating ang mga Amerikano (American Colonial Period 1898 – 1946) at dito ipinakilala ang western-style education kung saan ang mga kababaihan ay mas nagkaroon na ng kakayahan na magkaroon ng edukasyon at makipartisipa sa workforce o trabaho. Dahil dito, mas nabuhayan ang mga kababaihan na bumuo ng mga organization kung saan isinulong ang women’s right and suffrage at kalaunan ay nagkaroon ng karapatang bumoto noong 1937. Isa ang Pilipinas sa mga bansa sa Asya na nagpapahintulot sa women’s suffrage ng bansa.
Noong World War II, muling nagkaroon ng important roles ang mga kababaihan laban sa mga hapones. Karamihan ay naging guerilla, nurse, at espiya. Ngunit hindi lamang dito natapos ang gampanin ng mga kababaihan dahil muling nagdusa ang karamihan sa mga kababaihan sa kamay ng mga hapon bilang mga ‘comfort women’. Isa si Maria Quilantang sa mga comfort women na dinala noon sa ‘red house’ kung tawagin na nagsisilbing headquarters ng Imperial Japanese Army.
“There, the women and girls, some as young as eight at the time, were detained for weeks, beaten and raped by soldiers.” (Biglete, 2024). Ngayon, ang grupo na ‘Malaya Lolas’ ay pinangungunahan ni Maria Quilantang kasama ang iba pa sa mga survivor na comfort women kung saan patuloy silang nananawagan sa Philippine Government sa kanilang pag pasa ng kaso laban sa Japan.
Ngayon, ang mga kababaihan ay patuloy pa ring nakakaranas ng iba’t ibang pagsubok gaya na lang ng gender-based violence at discrimination. Ngunit hindi ito hadlang upang maging takot at ipaglaban kung ano ang tama at nararapat. Lumalabas na ang Pilipinas ay may reported na 41.48% of the Female Labor Force (World Bank Collection of Development Indicators, 2023). Isa sa patunay na may kakayahan ang kababaihan na magtrabaho at maging isang tapat at marangal na mamamayan ng bayan.
Sa patuloy na pag unlad ng Pilipinas, mahalagang alalahanin at kilalanin ang mga naging kontribusyon ng mga kababaihan sa paghulma ng kultura, pulitika, at lipunan ng ating bansa. After all, this is just not their history but yours as well. You are a part of HERstory. So as long as women continue to experience inequality, we will continue to learn, fight, and advocate for their rights.
Mabuhay, mga kababaihan!
References:
Babaylán. (n.d.). CulturEd: Philippine Cultural Education Online. https://philippineculturaleducation.com.ph/babaylan/
Only men enjoyed the right of suffrage in PH until 1937. (n.d.). Philippine News Agency. https://www.pna.gov.ph/articles/1169247
Biglete, T. J. (2024, April 29). The forgotten “comfort women” of the Philippines – and their struggle for justice. The Telegraph. https://www.telegraph.co.uk/global-health/women-and-girls/philippines-comfort-women-second-world-war-japan-army/